Manila, Philippines- Unang pinagpiyestahan sa blnd item ang isang actor na tsinugi sa isang programa dahil sa kinakaharap na kaso.
Tulad ng ilang blind item, mahirap hulaan ang subject dahil iniisip ng iba’y sexual harrasment na naman ang kinakaharap ng actor, pero hindi pala harrasment o sexual abuse kundi syndicated estafa.
Pero may ilang vlogger ang tumukoy na si Ken Chan ang sinasabi ng blind item na ito.
Ayon sa kuwento, ang Kapuso actor pala ang napabalitang umalis diumano ng bansa dahil may tinakasan daw itong kasong isinampa laban sa kanya at sa ilang business partners at miyembro ng pamilya.
Meron pang naglabas ng papeles na syndicated estafa ang hinaharap nitong kaso.
Gayuman, wala pang pagkumpirma mula sa kampo ng aktor kahit ilang beses na rin siyang pinadalhan ng mensahe through text at viber.
Patuloy naming inaalam kung ano talaga ang totoo sa balitang kumalat tungkol sa Kapuso actor.
Ayon sa ilang nasagap na balita, umakyat na raw sa korte ng Quezon City ang kasong isinampa laban kay Ken at sa ilang business partners nito subalit walang may nakakaalam kung nasaan si Ken.
May nagsabi pang nasa ibang bansa ngayon si Ken kasama ang pamlyang nagbabakasyon. Di naman tinukoy kung nasaang bansa sila ngayon.
Mula sa balita ng PEP.ph, kumuha na raw ng abogado si Ken, si Atty. Maggie Abraham-Garduque, para i-handle ang kaso nito.
Napag-alaman ding nag-file na raw si Atty. Maggie sa Department of Justice ng petition for review para ma-reverse ang resolution ng Office of the City Prosecutor (OCP) ng Quezon City.
Pero hindi pa rin nagbigay ng pahayag ang abogado sa isyung ito. Ador Saluta