Home ENTERTAINMENT Kim, nakalimutan ang pangalan sa ‘paandar’ ni Paulo!

Kim, nakalimutan ang pangalan sa ‘paandar’ ni Paulo!

Manila, Philippines – When does a person forget his real identity?

This question seems to be a basic one, base na rin sa isang TV commercial ng isang local cheese brand that when grated ay nagsisilbing topping sa spaghetti to enhance its flavor.

Mapapansing nakalimutan ng isang batang anak na lalaki ang kanyang pangalan nang masarapan sa inihandang pasta ng kanyang ina sa TVC.

Halos ganito rin ang epekto kay Kim Chiu nang “paandaran” ni Paulo Avelino nitong nagdaang Araw ng mga Puso.

As expected, Paulo didn’t let the special day slip by without giving his rumored girlfriend a bouquet of flowers.

Sa kanyang Instagram, finlex ni Kim ang natanggap na bouquet ng mga bulaklak na iba’t iba ang kulay.

The Chinita Princess aptly captioned it with: “Sa legal papers ko lang nakikita ang totoong pangalan ko! Muntik ko nang makalimutan ang tunay kong pangalan, eh, Kimberly!”

Tulad ng inaasahan, kinilig ang mga netizens sa Valentine “paandar” ni Paulo.

In return, binati rin ni Kim ng happy Valentines ang aktor.

For sure, the bouquet of flowers came with a gift.

Kung ano ito, hindi pa ibinibida ni Kim sa social media.

Tiyak ding may inihandang Valentine gift si Kim kay Paulo.

Tunay ngang love is in the air between Kim and Paulo.

Partida pa ang lagay na ‘yan dahil wala pa silang public admission as to their real score!

Nagsusumixteen lang? Ronnie Carrasco III