Home ENTERTAINMENT Kim, sinabihang pogi at cute si Paulo!

Kim, sinabihang pogi at cute si Paulo!

Manila, Philippines- Dahil sa lakas ng tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na tinawag na KimPau, na nagsimula sa unang serye na pinagsamahan nila na Linlang, heto’t binigyan muli sila ng another serye ng Dreamscape in collaboration with Viu.

Ito ang Pinoy adaptation na What’s Wrong with Secretary Kim.

Sa serye ay gumaganap si Paulo bilang boss ni Kim na kanyang secretary.

Sa tanong kay Kim sa mediacon ng WRWSK, kung bakit sa tingin niya ay nag-click ang tambalan nila ni Paulo at sobrang minahal sila ng televiewers, ang sagot ng aktres,'”Actually hindi ko rin alam. Siguro sa tagal namin dito sa industriya, ngayon lang kami nagkasama ni Paulo sa work, ayun nga after Linlang and then eto, nasundan kami ng another project, so mas kilala na namin ‘yung isa’t-isa.

“And nakaka-amaze naman din na marami ‘yung sumusuporta sa aming dalawa which is nagugulat talaga kami. And we’re very thankful of course sa suporta online, and nakakagulat na sa edad namin na ‘to, meron pang nagsi-shift,” natatawa pang sabi ni Kim.

“Parang weird ‘yung feeling pero salamat po. And ayun, sobra kaming natutuwa. Very thankful.”

Sa tanong naman kung ano ang ina-admire ni Kim kay Paulo, ang sagot ng tsinitang aktres na natatawa, “Si Paulo, siyempre, ano siya,sobra siyang pogi,cute pa.”

Dagdag ni Kim, “Si Paulo, alam niya ‘yung ginagawa niya. Very consistent siya sa trabaho niya.

“And then parang..we share the same passion when it comes to work. Saka parehas kami ng gusto. Nakakatuwa na makatrabaho ang isang Paulo Avelino.

“And mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong rom-com na genre. So, mas napahanga ako, dahil kaya niyang gawin ‘yung lahat talaga in his best.

At magugulat talaga kayo rito sa What’s Wrong with Secretary Kim kung ano ‘yung mga binigay niya.”Mas hahanga kayo sa kanya,” papuri pa ni Kim kay Paulo. Rommel Placente

Previous articleRed Ollero, pinasok na ang Netflix!
Next articleSunog sumiklab sa plastic waste segregation plant sa QC