Home ENTERTAINMENT Red Ollero, pinasok na ang Netflix!

Red Ollero, pinasok na ang Netflix!

Manila, Philippines — Ang beteranong standup comedian na si Red Ollero, ang pinakakilalang headliner sa industriya ng standup comedy sa Pilipinas, ay naglunsad ng kanyang kauna-unahang comedy special sa global streaming platform na Netflix.

Sa espesyal na ito na “Red Ollero: Mabuhay Is A Lie,” umikot ang kanyang mga patawa sa mga topic ng fast food, awkward sex, at ang problema sa pagiging sikat na hindi gaanong sikat.

Sinasabing ito ang pinakaunang 100% Filipino comedy special sa Netflix.

Ang isang oras na palabas na ito ay idinirek ni Ryan Puno ng Solid OK at inilunsad ng award-winning director na si Marius Talampas, at pinondohan at inalalayan ng entertainment company na Arcade Film Factory.

Gumawa nga ng kasaysayan ang 17-year old na standup comedian bilang unang homegrown Filipino na naglabas ng isang comedy special sa Netflix.

Ang paglabas ng Netflix ng comedy special ni Red ay isang pagtataas-bilang para sa larangan ng standup sa Pilipinas.

Ayon kay Red, nang dumating ang pagkakataon na pwedeng i-produce ang nasabing Netflix special, may isang tao lamang sa isip ng komedyante na pwedeng mag-direk nito at yon nga ay si Ryan.

Si Ryan ay matagal nang nakatrabaho ni Red. Sa katunayan, si Ryan mismo ay isa ring standup comedian na kasabayan ni Red noong sila ay nagsisimula pa lamang.

Streaming na sa Netflix ang Red Ollero: Mabuhay Is A Lie. JP Ignacio

Previous article60% of PhilSys ID naimprenta na
Next articleKim, sinabihang pogi at cute si Paulo!