Home OPINION KONGRESO HINDI HUSGADO PERO IMBESTIGASYON ITULOY NG SENADO

KONGRESO HINDI HUSGADO PERO IMBESTIGASYON ITULOY NG SENADO

279
0

BAGAMAN malaking bagay na napapanuod ng sambayanan ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado at House of Representatives ay hindi ito ang husgado para magsabi kung sino ang guilty o ang hindi mga nasasangkot sa korapsyon sa flood control projects.

Ang hearing nila ay “in aid of legislation” para bumalangkas ng batas laban sa korapsyon. Maari rin sila magrekomenda kung sino ang kakasuhan pero hindi sila ang sisintensya sa may kasalanan o aabwuelto sa wala.

Kaya kapag may senador na nagsasabi na hindi kapanipaniwala ang sinasabi ng witness o saksi ay opinyon lang niya iyon.

Kung ganoon ay dapat ba na itigil na ang hearing sa Senado at hintayin na lang ang pagsampa ng kaso sa “proper forum” na tulad ng sinasabi ni Sen. Joel Villanueva?

Para sa Lawyers and Commuters Safety and Protection mas mabuti na ituloy pa rin ang imbestigasyon sa Senado para makita ng tao ang laki at lawak ng ‘corruption scandal’ sa gobyerno. Karapatan ng sambayanang malaman ito.

Pero ‘di ba’t parang nahuhusgahan na ng taumbayan ang mga sangkot na “guilty”. Paano na lang yung “innocent until proven guilty”?

Tulad ng mga senador, may opinyon din ang sambayanan. Ito ang tinaguriang “Court of Public Opinion”.

Hindi man makapagsentensya ang taumbayan tulad ng Hukuman ay karapatan pa rin ng lahat na malaman ang katotohanan.

At ang mga nababangit na tao tulad nina Ako Bicol Partylist Rep Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez, hindi pa nila masasabi na “innocent sila until proven guilty”. Wala pa silang ganoong karapatan. Ang nakasaad sa konstitusyon:

Art. Ill sec 14 (2)
In ALL CRIMINAL PROSECUTIONS, the ACCUSED shall be presumed innocent until the contrary is proved….
Hindi pa sila akusado sa kaso kaya wala pa silang ganitong karapatan. Ang meron sila at lahat ng tao ay nasa Art. Ill Sec 14 (1): NO PERSON shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.

Yun pa lang ang karapatan nila. Bagama’t sa opinyon ng masa ay “guilty” na sila, kailangan ang paglilitis ng Husgado(due process) para mapanagot sila.

Kaya there is no need “to bend the law”. Because no one is above the law. Lalo na sa Saligang -Batas.

Pero sigurado kaya na mapapanagot ang lahat ng may kasalanan pagdating sa Hukuman? Sometimes the truth and the rule of law collide.
===================
Atty. Ariel Inton
Founder
Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
0917817474

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here