Home ENTERTAINMENT Korina, 60-40 sa Senado!

Korina, 60-40 sa Senado!

Manila, Philippines – With the exit of the husband ay siya namang entrada ng misis.

Ganito ang scenario na aabangan as political hopefuls are gearing up bilang paghahanda sa mid-term elections sa Mayo 2025.

At sino ang tinutukoy naming misis na susubukang pumalaot sa larangang pinasok ng kanyang kabiyak?

Walang iba kundi ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez, misis ni dating DILG Secretary Mar Roxas.

This early, maugong na ang tsikang target ni Ate Koring ang maging mambabatas sa Mataas na Kapulungan.

‘Yun nga lang, ang tsansa raw ng pagtakbo ni Korina sa Senado ay 60-40.

Pero mas lamang pa rin na ipursige niya ito.

Kung sakaling maging siyento porsyento na ang kanyang pagkandidato, Korina will be up against Willie Revillame na nagpahayag na ng tiyak nang pagsabak.

Aside from Willie, nariyan din ang matunog na pangalan nina Isko Moreno at Phillip Salvador.

Of these senatoriables, tanging si Isko lang ang eksperyensyado sa pulitika.

Years back, he already ran for senator but lost.

Si Phillip naman ay “magaling” lang sa umpisa.

Remember when he registered in Pildera, Pasay para tumakbo sa local level only to chicken out?

Si Willie nama’y dati nang “niligawan” ni Pangulong Rodrigo Duterte pero sa bandang huli’y nakapagdesisyong umatras na lang.

The 2022 senatorial polls saw now-Senator Robin Padilla lead the race.

With Isko, Phillip, Willie and Korina in the running, sino kaya sa kanilang apat will get the most number of votes?

Basta ang alam namin, Ate Koring has what it takes to nail it.

Sana suwertihin. Ronnie Carrasco III

Previous articleBI sa publiko: Mag-ingat sa online travel arrangements
Next articleContempt, arrest order vs Quiboloy epektibo na – solon