Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Kuya Kim Atienza ang isang pari dahil sa pahayag nito tungkol sa depresyon.
Ayon kay Fr. Jowel Jomarsus Gatus: “Ang daming taong may sakit sa ospital na lumalaban sa hamon ng buhay. Ikaw na pagkalusug-lusog, nade-depress.”
Sa Facebook, iginiit ng TV host na ang depresyon ay isang medical condition.
“Ang taong may mental illness ay lumalaban sa hamon ng buhay at ayaw magpaospital dahil sa ganitong stigma.”
Agad namang nag-apologize ang pari.
Sey nito: “I have been reflecting on the words said in one of my homilies, and after learning that they caused you pain, I felt the need to write to you personally. From the bottom of my heart, l am truly sorry,” ani Fr. Gatus.
Hindi daw intensyon ng pari na makapanakit ng damdamin ni Kuya Kim, o balewalain ang pinagdaraanan ng mga taong may depresyon.
Gusto lang daw niyang ipaalala na kumapit sa pananampalataya sa kabila ng pagsubok.
Apology accepted naman.
“I know you mean well, Father. Take care and all the best,” ani Kuya Kim in a separate post.
May mga comments and reax pa ang mga netizens sa pari pero nag-request si Kuya Kim na mag-move na ang lahat. Ronnie Carrasco IIi