Home NATIONWIDE Labi ng Pinay na nasawi sa airstrike sa Israel naiuwi na sa...

Labi ng Pinay na nasawi sa airstrike sa Israel naiuwi na sa bansa – DMW

183
0

MANILA, Philippines – Nailipad na pauwi ng Pilipinas ang labi ng Filipina caregiver na nasawi sa missile attack sa Tel Aviv, Israel, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Marso 14.

Sa pahayag, sinabi ng DMW na ang labi ng OFW na si Mary Ann de Vera ay naiuwi na sa bansa ngayong araw kasama ang asawa nito na si Bernie Lavarias, na personal na nakipagkita kay Israeli President Isaac Herzog para ipaabot ang pakikiramay ng Israel sa pamilya ng nasawi.

Siniguro ng Israeli government ang habambuhay na suporta sa pamilya ni De Vera, ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh.

Ipinaliwanag ni Kursh na sa ilalim ng batas ng Israel, ang pamilya o indibidwal na nasaktan o nasawi sa kaguluhan, mamamayan man ng Israel o dayuhan, ay makatatanggap ng lifetime benefits.

Si De Vera ay nasawi sa retaliatory strike ng Iran sa Israel matapos na maglunsad ang bansa kasama ang US ng pag-atake sa Iran.

Kabilang sa matatanggap ng pamilya ni De Vera ay ang financial na tulong kabilang ang livelihood support mula sa Israeli government. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here