Home METRO Lalaki itinumba sa Ilocos

Lalaki itinumba sa Ilocos

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos barilin sa Barangay Caraitan, Badoc, Ilocos Norte nitong Biyernes, Abril 19.

Ayon kay Police Capt. Elison Pasamonte, hepe ng Badoc police, ang biktima na kinilalang si Emmanuel Salcedo ng Barangay Cabangtalan, Sinait, Ilocos Sur, ay pauwi ng bahay sakay ng motorsiklo matapos bisitahin ang kamag-anak sa Barangay Lubigan nang tambangan ng nag-iisang gunman bandang alas-2 ng hapon.

Tumakas ang suspek samantalang dinala naman ng pulisya ang biktima sa ospital ngunit namatay din kalaunan.

Nagsasagawa na ng follow-up at pursuit operation ang pulisya. RNT/JGC