ISANG “pressing health threat” ang turing ng WHO o World Health Organization sa kalungkutan o loneliness na anila ay mas lumala sa pagtama ng COVID-19 pandemic. Ang epekto nito ay katumbas ng paghithit ng labinglimang piraso ng sigarilyo bawat araw ayon sa mga eksperto.
Ang kalungkutan, ayon sa health organization ay maaaring maranasan ng kahit sino, kahit saang lugar, walang pinipiling edad, at maging ng antas sa buhay. May malaki itong epekto sa physical and mental health ng isang tao at maging ng kaayusan ng lipunan.
Kaya inilunsad ng WHO ang Commission on Social Connection na siyang tututok sa kalungkutan bilang top global health priorities na nagsimula nitong 2024 hanggang 2026.
Pangungunahan ang international commission nina US surgeon general Dr. Vivek Murthy, African Union youth envoy, Chido Mpemba, at labing-isang miyembro na mga loneliness advocates at government ministers.
Sa pagtatanong na isinagawa ng Meta at ng Gallup kamakailan, lumabas na 57 porsyento ng mga Filipino ang dumaranas ng self-reported loneliness, lubhang mataas kumpara sa global average na 24 percent.
Ilan sa mga bansang nasa mahigit 50 percent ang may kalungkutan ang Afghanistan, Botswana, Lesotho at Uganda.
Bagama’t iniisip ng karamihan sa atin na ang kalungkutan ay bilang isang emosyonal na estado, ito ay nagdudulot ng pisikal na pinsala sa utak at katawan kapag ang kakulangan sa pakikipag-ugnayan ng tao ay nagiging talamak.
Sa katunayan, pinapataas ng social isolation ang kabuuang panganib ng napaaga na kamatayan ng hanggang 50 porsiyento.
Ang panlipunang paghihiwalay, at malapit na konektado sa kalungkutan, ay nagdadala ng mas malaking panganib sa kalusugan, pagkawala ng kadaliang kumilos, pagbaba ng pagganap, at klinikal na dementia.
Naisulat naman sa science journal na “Nature Human Behavior” na 32 percent ng dumaranas ng social isolation ang mas maagang namamatay.
Ibinase ng WHO ang naging pahayag nito sa 90 meta-analyses na nagkokonekta sa loneliness, social isolation at early death sa dalawang milyong tao na sinubaybayan mula 6 na buwan hanggang 25 na taon.