Home METRO P2.7M shabu nasabat sa construction worker

P2.7M shabu nasabat sa construction worker

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang isang construction worker matapos makuhanan ng aabot sa P2.7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Ormoc City nitong Huwebes, Abril 18.

Kinilala ang suspek na si Benigno Jovan Cañada, 39, ikinokonsiderang high-value individual sa regional level sa illegal drugs trade.

Narekober ng mga pulis ang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, pitong malaking plastic sachet na naglalaman ng shabu, at tatlong medium heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman din ng illegal na droga, kasama ang non-drug pieces ng ebidensya.

Itinurn-over na sa PNP Forensic Group sa Camp Downes, Ormoc City ang mga nakumpiska habang naka-detene si Cañada sa Ormoc City Police Station 1. RNT/JGC