Home METRO Lalaking nakapatay, huli sa manhunt

Lalaking nakapatay, huli sa manhunt

2
0

MANILA, Philippines – Sa kalaboso ang bagsak ng isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Ang 35-anyos na akusado na residente ng nasabing lungsod ay nakatala bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at parehong No. 2 Top Most Wanted Person sa Regional-Level at Station-Level.

Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga operatiba ng NPD ang operation laban sa akusado makaraan ang natanggap na impormasyon na naispatan ang presensya nito sa kanilang lugar.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga pulis sa Brgy., Tugatog kung saan isinilbi sa kanya ang arrest warrant para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 291, Malabon City, noong December 12, 2025.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa custodial facility ng Malabon City Police Station habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here