Home METRO Lalaking wanted sa Maynila, huli sa Caloocan

Lalaking wanted sa Maynila, huli sa Caloocan

42
0

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang 32-anyos na kelot na wanted sa kaso ng Robbery sa Manila nang maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Isinagawa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang pagtugis sa akusado na residente ng Brgy. Bagumbong, nang makatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya nito sa kanilang lugar.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Police Sub-Station 9 ng Caloocan CPS malapit sa kanilang tirahan.

Binitbit siya ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery na inisyu ng RTC Branch 12, Manila, na may inirekomendang piyansa na bail P100,000.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang utos ng korte na nag-isyu ng warrant para sa paglilipat sa kanya sa Manila City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here