MANILA, Philippines – Iniulat ng NASA na tumaas ang global sea levels ng 0.23 pulgada (0.59 cm) noong 2024, mas mataas sa inaasahang 0.17 pulgada (0.43 cm).
Ang biglaang pagtaas na ito ay dulot ng matinding pag-init ng karagatan at pagkatunaw ng yelo mula sa mga glacier.
Ang 2024 ang pinakamainit na taon mula nang magsimula ang pagrekord noong 1850, na nagdulot ng mas mabilis na pagtaas ng sea levels. Sa nakalipas na tatlong dekada, tumaas ng apat na pulgada (10 cm) ang average na sea level sa buong mundo. Noong 2024, ang thermal expansion—ang paglawak ng tubig-dagat dahil sa init—ay naging pangunahing sanhi ng pagtaas, na karaniwang dulot ng pagkatunaw ng yelo.
Nagbabala ang NASA na patuloy na tataas ang sea levels habang nagpapatuloy ang pagbuga ng greenhouse gases, na nagbabanta sa mga populasyong nakatira sa mga isla at baybayin. RNT