Home NATIONWIDE Legalisasyon ng medical marijuana, hinihimay na sa plenaryo ng Senado

Legalisasyon ng medical marijuana, hinihimay na sa plenaryo ng Senado

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nakalusot sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado ang panukalang gawing legal ang medical marijuana sa bansa sa ilalim ng Senate Bill 2573 o ang proposed Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Senador Robin Padilla na napapanahon nang gawing legal ang medical cannabis bilang tugon sa hinaing ng ilang magulang at pasyente na magamot ang kanilang sakit.

“Binibigyang-linaw po natin na ang medical cannabis ay complementary treatment na isasabay sa mga gamot na sadyang ginagamit na ng isang pasyente,” ayon kay Padilla.

“Ang inihahain pong batas ng inyong lingkod ay hango sa pag-aaral, pagsasaliksik, testimonya ng mga doktor at eksperto mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na may sapat na kaalaman at best practices sa pagpapatupad nito,” giit ni Padilla.

Papayagan sa panukala ang paggamit ng cannabis o marijuana para sa pangangailangang medikal upang gamutin ang kuwalipikadong pasyente sa kanyang kondisyong medikal o sintomas.

“The medicalization of cannabis will include its acquisition, possession, transportation, delivery, dispensing, administration, cultivation, or manufacturing by private individuals or entities only for medical and research purposes,” ayon sa panukala.

Nakatakda sa panukala ang paglikha ng Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA) sa ilalim ng Department of Health, na magsisilbing principal regulatory agency sa pagbili at paggamit ng medical cannabis at implementasyon ng panukala.

“The PMCA will be mandated to formulate and adopt a Comprehensive Cannabis Medicalization Plan; formulate rules and regulations related to the propagation, cultivation, planting, harvesting, processing, manufacturing, packaging, labeling, distribution, dispensing, and patient licenses and prescription; establish and maintain an information system to track cannabis growth from seed to sale for monitoring and regulation purposes; and formulate and implement standard operating procedures for every stage of producing medical cannabis, among others,” ayon sa panukala.

Nakatakda din sa panukala ang isang probisyon na nagsasabing: “A Medical Cannabis Advisory Committee will also be constituted to assist and provide directions in the formulation, implementation and assessment of policies, guidelines, and regulations under the proposed measure.”

“Patients considered qualified for the use of medical cannabis are those who are diagnosed by a certifying physician as having a debilitating medical condition and may receive therapeutic or palliative benefits from the use of medical cannabis,” ayon sa panukala.

Nakatakda din sa panukala ang isang probisyon na nagbibigay ng validity sa reseta ng pasyente, kadahilanan sa pagkansela nito, pagtatanim, produksiyon at pagmamanupaktura ng cannabis, pagsusuri nito at, exemption laban sa civil at criminal liability, prohibited acts, at penalties sa paglabag ng naturang panukala.

Lilikhain din ng panukala ang joint congressional oversight committee upan magsagawa ng regular review sa implementasyon ng batas.

Limitado ang listahan ng medical cannabis products na gagawin legal tulad ng edibles, pills, oil, tincture, flower, topicals, at inhalers.

“Strict regulations will also govern the importation of such products.”

Magkakaroon din ng electronic monitoring system sa pagtatanim ng marijuana. Ernie Reyes

Previous articleTruck driver sinaksak ng nakaalitang e-trike driver
Next articleRichard Clarin buhos ang suporta sa cycling