Home NATIONWIDE Legazpi-Naga trip ng PNR balik-operasyon kasunod ng aksidente

Legazpi-Naga trip ng PNR balik-operasyon kasunod ng aksidente

MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ngayong araw ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) mula Legazpi patungong Naga at pabalik.

Ito ay matapos maantala ang operasyon sa pagbangga ng isang tanker truck sa inspection train sa Paloyon Crossing sa Nabua, Camarines Sur.

Ayon sa PNR, ang mga apektadong ruta ay magiging operational na ngayong Linggo, Marso 16:

Legazpi to Naga – 4:49 a.m.
Naga to Legazpi – 5:30 p.m.

Ang dalawang rutang ito ay agad na binuksan dahil sa “high connectivity demand,” sinabi ng PNR nitong Sabado.

Samantala, patuloy din ang operasyon ng iba pang ruta ng PNR:

Calamba to Lucena – 5:45 p.m.
Naga to Sipocot – 3:30 p.m.
Sipocot to Naga – 5:00 p.m.

Nililinis sana ng inspection train ang riles para sa paparating na passenger train nang mangyari ang pagbangga ng tanker, dahilan para madiskaril ito.

Samantala, dinala naman sa ospital ang truck driver na nasa maayos nang kondisyon.

Naibalik na rin sa normal ang trapiko sa lugar matapos ipatupad ang rerouting scheme.

Nagpaalala ang PNR sa mga motorista at pedestrian na panatilihing sundin ang “Stop, Look, and Listen” safety principle upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente. RNT/JGC