Home NATIONWIDE Leviste ‘di pa maituturing na pugante – DOJ

Leviste ‘di pa maituturing na pugante – DOJ

4
0

MANILA, Philippines – Hindi pa maituturing na pugante si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa weekly press briefing, sinabi ni OIC Deputy Prosecutor Herbert Abugan na kailangan pang may pagdaanang proseso bago maideklara na pugante ang isang indibidwal na nahaharap sa kaso.

Aniya, magbibigay pa ang korte ng pagkakataon sa mambabatas para personal itong humarap sa pagdinig.

Kasunod ito ng inisyu na warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court Branch 235 laban kay Leviste at dalawang iba pa kaugnay sa paglabag sa Republic Act 1135.

Kinumpirma din ni Abugan na itinakda ang arraignment o pagdinig sa mga akusado ay sa Oktubre 26, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here