ILOILO CITY — Inutusan ni Mayor Raisa Treñas-Chu ang pag-alis ng liquor curfew sa panahon ng Dinagyang Festival, bilang tugon sa panawagan ng mga festivalgoers at ng business community.
Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng alkalde na walang curfew sa pagbebenta at pag-inom ng alak mula Enero 23 hanggang 26, sakop ang mga pangunahing gawain ng pista.
“We hear you! During Dinagyang Festival 2026, there will be no curfew on drinking,” ani Treñas-Chu.
Ayon sa alkalde, batay sa “madamo nga pangabay” mula sa mga residente, bisita, at negosyante ang desisyon, at ito ay naaayon sa Executive Order No. 2022-049-C na nagpapahintulot ng public consumption ng “subdued beverages” hanggang 4 a.m.
Noong una, naglabas ang lungsod ng utos na nililimitahan ang pagbebenta at pag-inom ng alak mula 8 a.m. hanggang 2 a.m. mula Enero 22 hanggang 26, ngunit ito ay binawi upang suportahan ang mga aktibidad ng pista at ang mga benepisyong pang-ekonomiya.
Siniguro ng alkalde na prayoridad pa rin ang kaligtasan at kaayusan, at handa ang pulisya na panatilihin ang kapayapaan sa lungsod.
Ang Dinagyang, isa sa pinakamalaking relihiyoso at kultural na pista sa bansa, ay umaakit ng libu-libong bisita taun-taon at nagpapalakas sa turismo at lokal na negosyo. RNT