Home TOP STORIES Lockout sa Kawasaki Motors, ikinalungkot ni Laguesma; NCMB ginawa lahat para maayos...

Lockout sa Kawasaki Motors, ikinalungkot ni Laguesma; NCMB ginawa lahat para maayos labor dispute

277
0

MANILA, Philippines – Aminado si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na wala magagawa ang Department of Labor and Employment(DoLE) sa oras na ipatupad ang lockout kung saan mawawalan ng trabahio ang ilang manggagawa ng Kawasaki Motor Philippine Corporation(KMPC).

“Malungkot ako dahil pag natuloy ang lockout mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa” pahayag ni Laguesma.

Ipinaliwanag ni Laguesma na ginawa ng DOLE sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang lahat para maayos ang labor dispute sa pagitan ng KMPC at Kawasaki United Labor Union (KULU) subalit sa kabila ng mahigit sa 1 taon na mediation meeting ay hindi pa rin nagkaroon ng amicable resolution o kasunduan ang magkabilang panig.

“Despite all out efforts of the NCMB hindi pa rin nagkakasundo”ani Laguesma.

Nasa ika-90 araw na ang isinasagawang strike ng mga opisyal ng KULU, ang strike ay sinimulan noong Mayo matapos ang economic deadlock sa Collective Bargaining Agreement (CBA).

Ayon kay Atty. John Bonifacio, external counsel ng Kawasaki, nasa 14% ang kabuuang increase na nais ng KULU na “financially unsustainable” base sa kasalukuyang sitwasyon ng kumpanya, aniya, lubha umano itong mataas sa 6% increase na ginawad ng kumpanya kamakailan para sa kanilang Supervisory Union na mayroon ding hiwalay na CBA.

Kabilang sa hiling ng unyon ay 10.50% annual salary increase para sa July 1, 2024, 2025, at 2026; dagdag na P50.00 kada buwan sa basic pay.

Bilang pagpapakita ng “good faith,” ayon sa KMPC management ang mga demand ng KULU maliban lamang sa 10.5% salary wage increase dahil ang kaya lamang ng kumpanya ay hanggang 5%. Bukod dito, sumang ayon din ang kumpanya na ibigang ang limang hiling pa ng Union:

1) uniform provision mula 3 ay gawing 5;

2) May 1st Assistance mula P10,000 ay gawing P15,000;

3) Matrimonial leave na 3 ay gawing 5 araw;

4) Funeral assistance sa namatay na empleyado na P75,000 ay gagawing P100,000 at sa mga family member ay P50,000 mula sa dating P25,000, at

5) Bereavement Leave ng 7 araw mula 5 araw.

Inalmahan naman ng KMPC ang alegasyon ng KULU na mayroong P162M kada taon na kita at P21M na bank deposits ang kumpanya para matugunan ang kanilang demands, giit ng KMPC, mula 2020 hanggang 2024 ay nasa P688M ang nalugi nila resulta ng pandemic at ang kanilang financial statements ay kanila nang naisumite sa NCMB.

Sa kabila ng umano’y pagkalugi ng kumpanya sa nakalipas na mga taon ay hindi ito nagsagawa ng layoffs bilang konsiderasyon sa kanilang mga empleyado, nagsagawa ng cost-saving measures ang kumpanya kabilang na dito ang pagpapasara sa 14 Kawasaki Service Centers (6 sa Luzon, 8 sa Visayas-Mindanao) sa layunin na makatipid ng P2.6 Million kada taon, dagdag pa ng KMPC.

Sa Agosto 26 ay ipatutupad ang lockout sa may 289 union workers.

Sa kanilang Notice of Lockout, iginiit ng Kawasaki Motors na nilabag ng 289 manggagawa ang probisyong “No Strike/No Lockout” gayundin ay binoykot ng mga union workers ang tatlong opisyal na aktibidad ng kumpanya noong nakaraang taon, kabilang dito ang anibersaryo noong Hulyo 24, Sportsfest noong Hunyo 15, at ang mandatory overtime na inihayag noong Abril 30, 2025 upang makahabol sa produksyon.

Sinabi ni Atty Bonifacio, external counsel ng Kawasaki na ang paglabag sa No Strike/No Lockout clause ng CBA ay itinuturing na unfair labor practice, na maaaring magsilbing batayan sa lockout. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here