Home OPINION LTFRB SUPORTADO NG LCSP SA PAG REGULATE NG MC TAXI

LTFRB SUPORTADO NG LCSP SA PAG REGULATE NG MC TAXI

2
0

ILANG taon din na nasa ilalim ng isang pilot test ang operasyon ng mga motorcycle taxis na app-based. Isang Technical Working Group ang namahala ng pilot test na inabot ng ilan taon. Bagama’t ilang Kongreso na ang nakalipas ay wala pa ring batas na naipasa para maregulate ang motorcycle taxis.

Mabuti na lamang at sa pamumuno ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Atty. Vigor Mendoza at Department of Transportation Acting Secretary Banoy Lopez ay naglabas na ng regulation para sa operasyon ng MC Taxis.

Welcome ito sa mga libo-libong pasahero ng mga MC Taxi. Mas mapapangalagaan ang mga pasahero at maiaayos ang operasyon ng MC Taxis.

May mga issues tulad ng multi homing at cap system na mukhang hati ang pananaw ng mga driver. Ang iba nais na multi homing para hindi exclusive lamang sa isang TNC platform sila naka on board ang iba naman ay ok ito upang maiayos ang dami ng riders. Ang cap naman o alokasyon ng riders sa bawat TNC ay pinag-uusapan din.

Ang mga rider na “over the cap” ay bibigyan pansin din ng LTFRB para walang MC taxi driver ang mawawalan ng hanapbuhay. Pagaaralan din kung ilan MC taxi ang dapat lamang papayagan mag-operate upang hindi naman magkaroon ng over-supply sa lansangan na pwede maging sanhi ng cut throat competition.

App-based lamang ang nakapaloob sa regulasyon at hindi ang mga tinatawag na habal-habal.

Ang pakiusap lamang ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay kung sakaling may puna sa mga kasalukuyang regulasyon ay mapag-usapan ito dahil umpisa pa lamang naman ito.

Ang mahalaga ay sa wakas hindi na pilot test ang mc taxi at legal na ang operasyon nito.

Atty. Ariel Inton

Founder/President

Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09178174748

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here