KITANG-KITA ang mga ebidensya kung saan-saan may mga nakamamatay na baha at landslide, batay sa pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon sa MGB, mahigit 9,999 barangay sa Luzon ang binabaha at may landslide, kaugnay ng bagyong Maymay at habagat lamang.
Mula sa datos ng PAGASA, tinataya ng MGB na ang Ilocos Region ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na nanganganib sa naturang mga banta, sa 2,933 at sumunod ang Central Luzon na may 1,997; Metro Manila – 1,403; Cordillera Administrative Region – 707; at Cagayan Valley – 47; MIMAROPA – 113.
Marami pa sa Visayas at Mindanao.
Dapat sa susunod na taon, 2027 at maging sa susunod pang mga taon, dapat nang seryosohin ang pagpapagawa ng mga anti-flood at anti-landslide projects at bigyan ito ng sapat na mga pondo.
Dapat na wala na ring mga ghost, substandard, putol-putol at double o triple funded projects.
Upang matiyak ito, dapat ding muling isalang bilang priority bill at certified as urgent ng Palasyo ang muling pagbuhay ng parusang bitay.
Pupwede namang paraan ang firing squad, pagbitay sa lubid, paglason at iba pang mga paraan.
Ginagawa naman ang mga ito sa ibang bansa.
Isa pa, dapat mabilis ang mga pag-uusig nang hindi isinasakripisyo ang due process.
Basta mapatunayang nagkasala ng Supreme Court o iba pang may pinal na desisyon ang taga-Palasyo, Kamara, Senado, local government unit at pribadong tao o kontraktor, bitayin kaagad.
Ibaba rin ang halaga ng korapsyon na may parusang bitay sa P500,000 gaya ng patakaran sa Anti-Money Laundering Council na inirereport sa kanila ang anomang transaksyon na P500,000 pataas.
Habang nakakulong ang mga ito at nililitis, isama sila sa mga selda ng mga ordinaryong kriminal.
Kung tutuusin, iilang tao lang naman ang mga ito na nagiging sanhi ng kamatayan, paghihirap, gutom, pagkakasakit at iba pang perwisyo dahil sa korapsyon na lumilikha ng mga baha at landslide.






