Home OPINION BLOCKING NG WEBSITE VS SCHOOL SHOOTING

BLOCKING NG WEBSITE VS SCHOOL SHOOTING

1
0

MAY mga aksyon na ang pamahalaan para kontrolin o mabawasan man lang ang matinding problema sa mga nakamamatay na pamamaril sa loob ng mga eskwelahan sa Pilipinas.

Iniuulat ng Department of Interior and Local Government at Philippine National Police na napa-block o napasara na nila sa National Telecommunications Communication ang dalawang website na nagtataguyod ng karahasan sa internet at mayroon pa silang isusunod.

PAGBABAWAL SA SOCIAL MEDIA

Pagbabawal sa social media sa bisa ng batas sa mga menor-de-edad 16 pababa ang isa ring ipinanunukala ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso

Ngunit ang totoo, may panukala na mismo si Senator Sherwin Gatchalian habang meron din nito sina Speaker Bojie Dy, Cong. Roman Romulo at iba pa.

Sa Kamara, may panukala ngang kapag edad 13 pababa, ganap na ipagbawal ito habang mula 13 hanggang 18, dapat may mga patakaran para makagamit ang mga ito.

SOCMED BAWAL SA IBANG BANSA

Ang Australia ang nagpasa at nagpapatupad na ng batas na ipagbawal ang social media account sa mga edad 16 pababa.

Kasama sa mga social media platform na bawal ang Facebook, TikTok, Instagram at YouTube.

Sumunod na rin ang Malaysia at India habang istrikto ang Indonesia laban sa mga socmed na may lamang karahasan.

Batay rito, mga Brod, nahuhuli ang Pilipinas kung tutuusin.

BARIL SA BAHAY

Bagaman makatutulong talaga laban sa karahasan o pagpatay sa loob ng eskwelahan ang pagbabawal sa mga menor na gumamit ng social media, lalo na ang mga nagsusulong ng karahasan at pagpatay, pinakakamalaking salik ang pagkakaroon mismo ng baril sa loob ng bahay.

Kung tutuusin, bawal at hindi madali ang pagbili ng baril ng menor-de-edad kahit saan.

Kung may mabibili man sila, galing sa mga iligal na gumagawa o nakaw.

Sa pagsusuri sa mga baril na ginamit sa tatlong eskwela, lumilitaw na lisensiyado ang mga baril na hawak ng tiyahin, ama o lolo ng mga namaril.

Kung walang baril sa loob ng bahay, walang lakas ng loob ang mga namaril na estudyante sa mga kapwa nila estudyante.

Walang lakas ng loob dahil wala naman silang gagamitin sa pagiging bayolente at para pumatay at sumugat ng iba.

SUICIDE

Mahalaga ring tingnan ang pag-suicide ng dalawang namaril gaya ng nangyari sa Ateneo de Manila Zamboanga at Banga National High School.

Ang tiyak, alam na alam ng mga namaril na estudyante na mapananagot sila sa batas bilang parusa sa bigat ng kanilang pagkakasala.

‘Yung bang === posible silang makulong, bagaman ibang sistema ng pagkukulong na akma sa kanilang edad bilang menor.

Pero marahil, may malalim pang ibang dahilan.

MARAMING GAGAWIN

Kapag titingnan ang lahat ng ginagawa na ngayon ng lahat laban sa school shootins at banta, magandang sabihin na may mga panimula na.

Pero kailangang mabilis ang mga pagkilos para mapigilan ang mga susunod na katulad na pangyayari.

Ngunit dapat hanapin din ang iba pang mahahalagang posibleng dahilan na nagtutulak sa mga bata na pumatay hindi lang sa loob ng eskwela kundi sa loob din ng bahay at sa mga lansangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here