Home OPINION POLITIKO NAGPAPATAYAN SA KAPANGYARIHAN, TUNGKULING SA BAYAN KINALILIMUTAN

POLITIKO NAGPAPATAYAN SA KAPANGYARIHAN, TUNGKULING SA BAYAN KINALILIMUTAN

1
0

HABANG halos magpatayan o aktuwal na nagpapatayan nang pisikal at pulitikal ang mga politiko sa agawan sa kapangyarihan, halos mamatay-matay o aktuwal na namamatay rin sa hirap ng buhay ang higit na nakararaming sa mga Pinoy.

Kitang-kita ang mga bangayan ng mga politiko sa kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte.

May mga banta sa buhay nila dahil sa agawan sa kapangyarihan na kakambal ang korapsyon sa dambuhalang pondong bayan na galing pa mismo sa dugo at pawis ng mga mamamayan.

Sa kabilang banda, ibang patayan at banta naman ang nagaganap sa higit na nakararaming Pinoy.

Ito ang banta o aktuwal na patayan sa kahirapan na nagbubunga ng malawak na gutom, kamatayan sa sakit sa kakapusan sa pagpapagamot, pagbebenta nang lakas-paggawa nang walang sapat na kabayaran, sobrang taas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng oportunidad para sa makataong pamumuhay at iba pa.

Marami ang pinapatay ng gutom, ng sakit na pwede naman sanang magamot, ng kawalan ng makataong sahod at oportunidad na mabuhay.

Ang napakalaking problema, ang mga lider na naluklok sa pamahalaan para magsilbi sa naghihirap na taumbayan at gamitin ang pondong bayan para sa pag-ahon ng mga ito sa kakapusan at kawalan, nabaling na ang atensyon ng mga lider sa agawan sa kapangyarihan at pagpapayaman sa pwesto.

Dito nga lang sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin na likha ng sobrang mahal na mga produktong petrolyo, hindi mo maringgan ang mga lider na gumawa ng epektibong remedyo.

Walang nagpipilit na ibasura o amyendahan man lang ang Oil Deregulation Law na tahasang ginagamit ng mga kompanyang langis na magtakda ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo nang walang makapipigil.

Wala ring kumikilos para suspendihin ang excise at value added taxes sa nasabing mga produkto.

Ano na ang nangyayari sa ating bansa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here