MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Linggo na inatasan ang local units nito na paigtingin ang kanilang road presence sa gitna ng pagdagsa ng mga sasakyan ngayong Kapaskuhan.
“Our visibility on the road is important especially that we expect the increase of motor vehicles on the road on the days leading to the Christmas and New Year,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II nitong Linggo.
Upang matiyak ang mas ligtas na kalsada partikular matapos ang pagdami ng truck-related accidents, ipinag-utos ni Mendoza sa enforcers nito na magtalaga ng mga tauhan sa major truck routes sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa buong bansa.
Inihayag ni Mendoza na dapat nasa istasyon ang LTO personnel kapag tinanggal na ang truck bans sa mga karaniwang oras na bumibiyahe ang mga truck.
“The checking should be random and unless there is a violation, they should always be reminded to exercise caution and ensure that the brakes are working,” pahayag ni Mendoza.
Aniya pa, dapat ding suriin ang roadworthiness ng mga truck sa kahabaan ng mga highway.
Kasunod ang kautusan ng LTO ng dalawang fatal road accidents sa Quezon City at sa Parañaque City nitong Linggo, kung saan anim na indibidwal ang nasawi.
Base sa ahensya, nag-isyu na ng dalawang show cause orders laban sa mga may-ari at mga driver ng dalawang truck. Sinuspinde rin sa loob ng 90 araw ang mga lisensya ng dalawang truck driver habang isinailalim ang mga sasakyan sa alarm.
Hinimok naman ni Mendoza ang truck owners at operators na tiyakin ang roadworthiness ng kanilang mga sasakyan.
“Ito ay bahagi ng kanilang obligasyon sa kanilang negosyo, sa kanilang mga kliyente, kanilang mga tauhan, at sa lahat road users,” pahayag ng opisyal.
Daragdagan din ng LTO ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), traffic units ng local government units, at mga tauhan ng Philippine National Police na nakatalaga sa Metro Manila.
Samantala, inatasan ang LTO officials sa mga lalawigan na makipag-ugnayan sa local government units at local police forces sa pag-asisti sa daloy ng trapiko.
“Our job is to ensure that they are safe on their way to the provinces and back to normal days come January next year. And this could be done through our intensified visibility that will prevent road accidents,” pahayag ni Mendoza.
Gayundin, patuloy na magsasagawa ang ahensya ng surprise at random inspections ng mga pampasaherong bus maging random drug testing sa mga driver nito upang matiyak ang road safety.
“We appeal to our partners in the transport sector to ensure that their units and their drivers are physically and mentally fit in doing their job as we expect a significant increase in the number of motor vehicles and commuters on the road,” ani Mendoza. RNT/SA