Home NATIONWIDE LTO nangakong gagawing “discipline zone” ang NAIA

LTO nangakong gagawing “discipline zone” ang NAIA

223
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Land Transportation Office (LTO) na paiigtingin nila ang kanilang presensya sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng regular na crackdown laban sa mga mapansamantalang taxi drivers at iba pang public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng patuloy na pag-uulat ng sobrang singil sa mga pasahero.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, dadalasan nila ang pagdeploy ng mga tauhan ng LTO upang magsagawa ng pagsusuri sa mga dokumento at “roadworthiness” ng mga pampasaherong sasakyan.

“We are making NAIA and its surroundings a discipline zone and the deployment of our personnel there will be the start to ensure compliance of the regulations of these drivers,” pahayag ni Mendoza.

Nagsasagawa ngayong araw, Hulyo 2, ng inspection sa Terminal 3. 41 na PUV’s ang sinuri at dalawa rito ang naimpound dahil sa pasong dokumento.

Ang visibility ng LTO sa lahat ng NAIA terminals ay bunsod ng dalawang insidente ng viral video at post tungkol sa sobrang singil sa mga pasahero sa NAIA.

Sa isang kaso, sinisingil ng taxi driver ang isang pasahero ng P1,300 para sa maikling biyahe mula Terminal 1 hanggang Terminal 2; habang ang isa pang taxi ay naniningil ng P5,000 sa isang pasahero. 

Inakusahan din ang isang motorcycle taxi rider na naniningil ng P2,000 sa isang customer mula NAIA hanggang Cainta sa Rizal.

Lahat ng ito ay napatawan na ng karampatang parusa ng LTO. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here