Opisyal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong Tanza Multi-purpose Building sa NavotaAs Homes II, Brgy. Tanza 2, noong June 26, bilang bahagi ng ika-18th cityhood anniversary celebration nito.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa tatlong palapag na pasilidad na nagtatampok ng mga espasyo ng opisina sa ikalawang palapag para sa mga seminar at pagpupulong; isang multi-use court sa ikatlong palapag na dinisenyo para sa tennis, volleyball, at iba pang panloob na aktibidad at parking sa ground level.


Samantala, binigyang-diin ni Cong. Toby Tiangco ang kahalagahan ng pampublikong imprastraktura sa nagpapasigla ng komunidad.




