Home OPINION MAHAL NA LANGIS AT DEMANDA

MAHAL NA LANGIS AT DEMANDA

291
0

SA susunod na Martes, magmamahal ang langis nang medyo malaki-laki.

At alam ba ninyong, kasabay nito ang malaki-laki ring mga halaga ng mga kasong libelo na isinasampa kaugnay ng mga problema sa Pinas sa korapsyon at pulitika?

Ayon sa kompanyang Jetti, maaaring magmahal ang diesel ng P1.80 hanggang P2 kada litro habang ang gasolina, P1 hanggang P120.

Pang-apat na linggo nang tuloy-tuloy ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Ang dahilan?

Ang kaguluhan sa Valenzuela at Iran na parehong pinakikialaman ng United States para palitan ang mga namumuno sa mga bansang ito at kontrolin ang kanilang mga gobyerno.

Masama ang epekto nang panghuhuli at panghaharang ng US sa mga barkong may kargang langis na galing sa Venezuela at Iran at harangan at hulihan ng mga barkong US at Russia dahil sa ugnayan ng mga ito sa giyera sa Ukraine.

Maaaring isara ng Iran ang Strait of Hormuz na daluyan palabas ng langis mula sa Iran, Saudi Arabia at iba pang mga bansa na lalong magpapamahal sa langis.

Habang nagaganap ang masamang epekto sa presyo ng langis ng mga pangyayari sa negosyong langis, lalo’t 100 porsyentong importer ang Pinas, nagaganap din ang mga pampulitikang kaguluhan sa Pinas at kasama sa mga palatandaan dito ang mga demandahan na malalaki rin ang mga hinihinging danyos.

Nariyan ang demandang cyber libel na may P110 miyong danyos ni business tycoon Enrique Razon laban kay Cavite Representative Kiko Barzaga na nagsabing sinuhulan umano ng una ang mga miyembro ng National Unity Party para suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez noong 2025.

Nariyan din naman ang cyber libel ni Batangas Representative Leandro Legarda Leviste laban kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro dahil sa paninira umano ng huli sa una ukol sa problema sa solar company ng huli.

Kasali ang mga Pinoy sa ibinubunga ng mga kaguluhan sa negosyo at pulitika.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here