Home OPINION MANDATORY PAGGAMIT NG PRN SA SSS LOAN PAYMENTS, IPINAPATUPAD SA REAL-TIME POSTING

MANDATORY PAGGAMIT NG PRN SA SSS LOAN PAYMENTS, IPINAPATUPAD SA REAL-TIME POSTING

2
0

QUEZON CITY — Upang masiguro ang mabilis, ligtas, at accurate na pagpoproseso ng mga bayad sa
pautang, ipinaalala ng Social Security System (SSS) na mandatory o obligado na ang paggamit ng
Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng lahat ng short-term loans.

Sa pamamagitan ng bagong sistemang ito, mawawala na ang matagal na paghihintay at ang mga usapin
ukol sa delayed o floating payments.

Same-Day Posting para sa Members, Next-Day para sa Employers
Ayon sa SSS, ang paggamit ng PRN ay nagbibigay-daan sa same-day payment posting para sa mga
indibidwal na miyembro na nagbabayad ng kanilang Salary, Calamity, at iba pang short-term loans. Ibig
sabihin, sa mismong araw ng pagbabayad ay agad na mag-rereflect sa credit record ng miyembro ang
kanyang hulog.

Para naman sa mga employer na nagreremit ng loan amortizations ng kanilang mga kawani, nakatatak
na sa system ang next-day processing, na mas mabilis kumpara sa dating proseso.

Bukod dito, makatatanggap din ang mga miyembro at employer ng real-time loan billing alerts sa
pamamagitan ng email at SMS upang maging updated sa kanilang billing status at maiwasan ang
pagkakaroon ng unpaid penalties.

Paano Mag-Generate ng PRN?

Bago magtungo sa alinmang accredited payment channels o online payment platforms, kailangan
munang mag-generate ng PRN ang miyembro o employer.

1. Mag-log in sa inyong My.SSS Portal (member o employer account) sa opisyal na website
(www.sss.gov.ph) o gamit ang SSS Mobile App.

2. Pumunta sa Loans Tab at piliin ang Generate PRN – Short-Term Loans.

3. I-check ang billing details at i-download o i-screenshot ang PRN barcode/number.

4. Ipakita o i-encode ang PRN sa napiling accredited payment partner bago magbayad.

Binigyang-diin ng SSS na ang hindi paggamit ng PRN sa pagbabayad ay maaaring magdulot ng hindi
pagka-credit ng bayad sa tamang oras, kaya't mahigpit na pinapayuhan ang lahat na sundin ang bagong
proseso para sa hassle-free na serbisyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here