Home HOME BANNER STORY Manila North Cemetery, puspusan na paghahanda para sa Undas 2026

Manila North Cemetery, puspusan na paghahanda para sa Undas 2026

1
0

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng Manila North Cemetery para sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong dadalaw ngayong Undas 2026.

Kabilang sa mga isinasagawa ang paglilinis sa loob at labas ng sementeryo at pagsisiguro na gumagana ang 70 CCTV camera na nakakalat sa buong lugar.

Patuloy din ang pagpapatrolya at Oplan Galugad ng MPD Station 3 upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga bibisita.

Muling ipatutupad ang Assistance Desk at Puntod Finder, Wristband Tagging para sa mga bata, gayundin ang libreng sakay at wheelchair para sa mga PWD at senior citizen.

Hinimok naman ng pamunuan ang publiko na agahan ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod upang maiwasan ang siksikan sa mismong Undas.

Maaga ring kumilos ang Manila LGU upang matiyak ang maayos, ligtas at organisadong paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here