Home OPINION MARAMING NATANGGAP SA TRABAHO SA SM NORTH EDSA “WHOLESALE, RETAIL TRADE JOB...

MARAMING NATANGGAP SA TRABAHO SA SM NORTH EDSA “WHOLESALE, RETAIL TRADE JOB FAIR”

ANG Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at mga pribadong sektor ay nagsagawa ng pagkakataon sa libo-libong naghahanap ng trabaho sa 2025 Wholesale and Retail Trade Job Fair sa SM North EDSA – The Annex noong Hunyo 16 hanggang Hunyo 17.

May kabuuang 26 na employer ang sumali sa job fair, na nag-aalok ng 1,649 na bakanteng trabaho. Kabilang sa mga pinaka-in-demand na posisyon ang mga cashier, store o sales clerks, customer assistant, accounting staff, at warehouse per­sonnel.

Sa humigit-kumulang 341 na naghanap ng trabaho, may 43 o 12.6% na tinanggap sa lugar. Kabilang sa mga nangunang posisyong napunan ay sales asso­ciate, sales clerk, cashier, bagger, at customer assistant.

Ang dalawang araw na kaga­napan ay nagsisilbing isang estratehikong plataporma para sa mga naghanap ng trabaho na direktang nakipag-ugnayan sa mga employer sa retail industry, isang mahalagang sektor na nagbibigay ng trabaho sa hu­migit-kumulang 10.2 milyong mangga­gawa at nag-aambag ng P4.9 trilyon sa ekonomiya.

Ang job fair, sa pakikipagtulungan ng Philippine Retailers Association (PRA) at Supply Chain Management Association of the Philippines (SCMAP), ay naaayon sa mga hakbangin ng administrasyong Marcos na tulungan ang mas maraming Pilipino na makahanap ng trabaho sa pa­mamagitan ng pagpapalawak ng kanilang access sa trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga job fair bawat buwan.

Higit pa sa job matching, nagbigay rin ang organizer ng mga serbisyo ng suporta upang matulungan ang mga nagha­ha­nap ng trabaho sa lugar.

Isang one-stop-shop processing center ang itinayo sa pakikipag- ug­na­yan sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno, kabilang ang Quezon City Local Government, Philippine Statistics Authority (PSA), Pag-IBIG Fund, at PhilPost, upang tulungan ang mga aplikante sa pagkuha ng mga kinakailangang dokumento sa pagtatrabaho.

Nandyan din ang Technical Education and Skills Develop­ment Authority (TESDA) na nag- aalok ng access sa mga prog­rama sa pagsasanay upang mag-upgrade ang kanilang skills at ma-improve ang kasanayan sa trabaho.

Inilunsad din ang Section G: Job Blueprint for Wholesale & Retail Trade ng DTI ang pagbubukas ng job fair, sa pangunguna ni Secretary Cristina A. Roque, PRA, at SCMAP.

Ayon sa DTI, ang blueprint ay isang komprehensibong fra­mework upang pahusayin ang mga negosyo at pasiglahin ang paglago ng trabaho sa wholesale at retail trade sector, na nagbibigay ng trabaho sa mil­yon-milyong mang­gagawa at nag-aambag ng P4.9 trilyon sa ekonomiya noong 2024.

Ang framework ay nabuo sa pamamagitan ng mga konsul­tasyon sa wholesalers, retai­lers, experts, gayundin sa micro, small, at medium enterprises sa buong bansa.

Isinaalang-alang din ang mga input mula sa mga survey, focus group discussion, at insight mula sa 2024 Wholesale and Retail Trade Forum.