Home OPINION MARTIAL LAW VS VP SARA

MARTIAL LAW VS VP SARA

1
0

NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte ng all-out war laban kay Pangulong Bongbong Marcos, may posibilidad ba na magdeklara ang huli ng martial law laban sa kanya?

Nitong nakaraang Biyernes, tahasan nang tinawag ni VP Sara si PBBM na abusado, korap, magnanakaw at adik at sinabi pang dapat nang lumayas at mag-resign ito sa pwesto.

Sinundan ito ng deklarasyon ni VP Sara na magiging tuloy-tuloy na ang pakikipaglaban nito sa antas na ito, kasama ang taumbayan.

Hindi tinukoy ni VP Sara kung kaugnay ang kanyang pagkilos ng darating na halalang 2028.

Ngunit lumitaw na hangga’t maaari, ngayon pa lang, dapat maganap na ang paglayas sa Palasyo na isang “gusali ng gobyerno” na roon nakaupo at naninirahan ang mga taong umano’y umaabuso at nagwawaldas sa pondo ng taumbayan…at mag-resign.

Sa ganitong sitwasyon, lalo na kung tuluyan na ngang magkaroon ng maramihan at malawakang pag-oorganisa sa taumbayan at malakihang mga pagkilos sa mga lansangan at kahit saan at hindi lang daraanin ang lahat sa media at social media, posibleng magkaroon ng kaguluhan at magsisilbing banta sa “lehitimong awtoridad” o pagiging Pangulo ni BBM sa halalang presidensyal noong 2022.

Sa takda ng 1987 Konstitusyon, maaari lang na magdeklara ang Pangulo ng martial law kung may pananalakay o paghihimagsik (invasion o rebellion) at kung kinakailangan ng kaligtasan ng publiko.

Pupwede ring magkaroon ng suspensyon ng Writ of Habeas Corpus.

Noong panahon ni ex-President Ferdinand Marcos, ama ni PBBM, unang idineklara nito ang suspensyon ng Writ of Habeas Corpus bago nito idineklara ang martial law.

Pinaka sa lahat ng naging aksyon ni Marcos Sr. ang pag-aresto nang walang warrant of arrest at pagkukulong at sumunod na lang ang pagkakaso sa mga inaresto at kinulong.

Tanong: Nakahanda na ba lahat ang anti-PBBM, politiko man at taumbayan, na maaresto at makulong sakaling kikilos sila para piliting mag-resign at palayasin si PBBM sa Malakanyang?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here