
MAY “ibubuga” pa si Manny ‘Pacman’ Pacquiao. At partikular na tinutukoy natin ay ang kanyang “laban” ngayong darating na halalan sa kanyang asinta na ‘two-terms senator’ matapos tanghalin bilang ‘GOAT’ sa mundo ng boxing bilang ‘8-division world champion.’
Noong tayo ay nagko-cover pa sa Senado, bantog si Pacman sa pagiging matulungin at ‘generous’ sa hanay ng media, kaya naman sa kanyang ‘Christmas Party,’ eh ‘full-pack’ ang “stadium,” kumbaga, dahil alam nang lahat na “walang uuwing luhaan.”
Dahil nga galing sa hirap, alam ni Pacman ang pakiramdam ng taong natutulog ng gutom at walang sariling tahanan kaya nga sa Sarangani, siya lang ang lingkod-bayan na nakapagpatayo ng sariling ‘housing project,’ ang ‘Pacman Village’ na walang ibinulsang pera ng gobyerno.
At sino ang hindi “kikilabutan” sa libo-libong pila ng mga mahihirap na binibigyan niya ng ‘cash’ sa tuwing uuwi siyang kampeon? Aber, binigyang dangal na nga ang bansa, may ‘free cash’ pang kasama!
At kahit mga katunggali niya sa pulitika– o mga nakalaban niya sa ‘boxing ring’– walang masabing masama laban sa kanya.
Hindi tuloy nakapagtataka na sina ex-VP Leni Robredo at Yorme Isko Moreno, mga nakalaban niya noong 2022 presidential race, hindi nag-atubiling suportahan ang kanyang kampanya na makabalik sa Senado. ‘Ninong ng Bayan’ ang papuri rin ni Pangulong Bongbong Marcos kay Pacman.
Hindi rin “bopols” si Pacman, patunay ang may 12-batas na siya ang ‘author’ o ‘co-author’ sa kanyang unang termino.
Kung “may ibubuga” pa si Pacman sa ibabaw ng ‘ring,’ mas may ibubuga pa siya sa loob ng Senado. At dapat lang na makabalik siya.
Abangan!