Home OPINION MEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA

MEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA

ANOMAN ang kahihinatnan ng kaso ni Rene Joshua Abiad, photographer ng Remate Online news, mungkahi nating alisin na ang pagiging sapilitan o mandatory witness ng mediamen sa mga operasyon ng mga awtoridad sa mga sangkot sa droga.

Ginagamot si Abiad sa isang ospital matapos siyang pagbabarilin, kasama ang isa niyang kapatid at iba pa, sa Brgy. Masambong, Quezon City nitong nakaraang Huwebes.

Habang nag-iimbestiga rito ang National Capital Region Police ni director BGen. Edgar Alan Okubo, katuwang si Quezon City Police District director  BGen. Nicolas Torre lll, lumilitaw ang ilang anggulo na motibo sa krimen at magkakaibang suspek na rin.

Gayunman, malaki pa rin ang paniniwala na work connected ang pamamaril kay Abiad.

Inaamin mismo ng pulisya na bilang mandatory witness, nakapirma na bilang saksi si Abiad sa ilang kasong droga na isinasampa ng mga awtoridad sa piskalya at korte hindi lang sa Quezon City kundi sa Maynila.

Kaugnay nito, nagiging mandatory witness ang mediamen dahil sa atas ng batas sa droga na Republic Act No. 9165 na umiiral na simula pa noong Hunyo 2002 ngunit inamyemdahan ng RA No. 10640 na umiral naman simula noong Hulyo 2014.

Sa Section 21(1) ng RA 9165, sinasabing kasama ang mediamen sa 3-witness rule at kabilang sa rule bilang saksi ang akusado o kinatawan nito, kinatawan ng media AT Department of Justice at sinomang halal na opisyal ng gobyerno.

Inamyendahan ito ng Section 21(1) ng RA 10640 na nagsasabing kabilang sa mga mandatory witness ang akusado o kinatawan o abogado nito, ‘with an elected official’ o kinatawan ng National Prosecution Service O media.

Ginamit ang mga salitang representative from the media and the Department of Justice (DOJ) sa RA 9165” habang  representative of the National Prosecution Service or the media sa RA 9165 ngunit mandatory witness pa rin ang mediamen. (ITUTULOY)