Home NATIONWIDE Security policies ng UP Diliman, pinarerebyu ng CHED kasunod ng sexual assault...

Security policies ng UP Diliman, pinarerebyu ng CHED kasunod ng sexual assault incident

MANILA, Philippines- Isang “wake-up call” ang sexual assault sa estudyante sa UP Diliman campus upang suriin ng institusyon ang mga polisiya nito sa seguridad, kasama ang koordinasyon nito sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies, ayon sa Commission on Higher Education (CHED) nitong Lunes.

Inihayag ito ni CHED chairman Prospero de Vera III matapos kumpirmahin na isang babaeng UP student ang nabiktima ng sexual assaukt sa Ylanan Road sa loob ng Diliman Campus nitong Sabado, kung saan hindi pa nahuhuli ang assailant.

“This despicable criminal act is a wake up call for the University of the Philippines to review and rationalize its security and safety policies, including its operational engagement with the Philippine National Police and other law enforcement agencies in order to make the UP Community safe and secure,” giit ni De Vera.

Sinabi naman ng UP administration na magtatalaga ng karagdagang roving security personnel at officers sa iba’t ibang lugar pagkatapos ng office hours kasunod ng insidente.

Inihayag ni De Vera na dapat na makipag-ugnayan agad ang UP administrative at security officials sa PNP upang talupan ang insidente, at magsagawa ng posibleng pursuit operations. 

Aniya pa, dapat sumangguni ng UP administration sa PNP “to identify, track and apprehend all those responsible for this reprehensible act of violence.”

“Higher education institutions must remain as safe spaces for their students. I encourage anyone and everyone who has any information regarding the incident to report to the authorities to aid in the investigation. The University must spare nothing to ensure that justice is obtained for the victim and her family,” pahayag ng CHED chairman.

Sinabi pa ni De Vera further na inatasan niya ang UP President at ang UP Diliman Chancellor na tiyakin na matulungan ang biktima.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi niya rerebyuhin ang terminated agreement sa pagitan ng UP at ng Department of National Defense (DND) na nagbabawal sa military at police forces na makapasok sa campus. RNT/SA

Previous articlePagpataw ng bagong buwis sa junk foods, pinalagan sa Senado
Next articleMEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA