Home ENTERTAINMENT Megan, ‘busog’ lang, di buntis!

Megan, ‘busog’ lang, di buntis!

Manila, Philippines – Halos mag-unahan ang mga netizens sa pagko-congratulate kay

Megan Young who they believe is–at long last–heavy with a child.

llang taon na nga naman silang nagsasama ng asawang si Mikael Daez, so it’s about time.

Ang pinagbasehan ng mga netizens ay ang video na in-upload mismo ni Megan sa kanyang social media account.

Kuha ‘yon sa isang beach sa Boracay.

Naka-swimwear ang couple pero mas nakakuha ng atensyon ang two-piece bikini na suot ni Megan.

Agad kasing mapapansin ang tummy ng dating Miss World.

Puwera pa rito ang mala-prinsesang treatment sa kanya ni Mikael.

Hindi naman daw pangkaraniwan ang gesture na ‘yon ni Mikael kung hindi “maselan” ang kalagayan ni Megan.

Under suspicion that she’s preggy ay bumati na ang mga netizens kay Megan.

Sa wakas daw ay dumating na rin ang pinakainaaasam-asam nila for the actress.

Kaso, mismong si Megan na rin ang naging dahilan para gumuho ang pangarap na ‘yon ng mga nagmamalasakit na netizens.

Diretsong sinagot niya kasi ito ng: “Sorry…busog lang!”

Hayun, kasamang inanod ng dagat sa Boracay ang pag-asa ng mga asyumerang netizens! Ronnie Carrasco III