Home OPINION MGA BASTOS NA KONSEHAL SA PASIG KATIKET NI KONSI ANGELU?

MGA BASTOS NA KONSEHAL SA PASIG KATIKET NI KONSI ANGELU?

NAGVIRAL sa social media ang video tungkol sa pagbibiro ng isang congressional candidate sa Pasig City kung saan lumalabas na binastos ang mga single parent na kaagad naman kinagat ng kalabang partido.

Isa sa mga naunang nambatikos kay congressional candidate Atty. Ian Sia ay itong si Pasig City Councilor at aktres na si Angelu de Leon. Sinabi ni De Leon na bawal sa Pasig City ang bastos.

Sa inilabas na video ng mga kalaban ni Sia, tanging ang sinabi ng abogado na “pwedeng makisiping sa kanila ang mga nalulungkot na solo parent isang beses bawat tao” at hindi ang karugtong na “joke lang po, may asawa na ako” kaya nagtawanan ang mga manonood at nakikinig sa kanya.

Malinaw na nagbibiro si Sia subalit hindi naman natin dapat binibigyang katwiran ang kanyang maling timing sa pagbitiw ng biro.

Dahil naunang mambatikos ang aktres, marami tuloy ang nagsabi na napaka-ipokrita niya sa pagsasabing “bawal ang bastos sa Pasig City” gayong ilan sa mga katiket niya sa partido sa ilalim ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang umano’y mga bastos at nagsamantala sa kahinaan ng mga kababaihan.

Hindi lang ang sex joke ni Sia ang nagviral sa social media subalit maging ang sex video (hindi joke) nitong mga sitting councilor at dalawang aspiring councilor na kasama ng aktres na si Angelu. O, eh di bawal sila sa Pasig City, konsehala?

May inarkila umano ang mga itong isang babaeng bayaran at pagkatapos gamitin ay ikinuwento pa sa ibang mga kapwa manyak na kasamahan kaya sinubukan. Hindi aktwal na siping ang ginawa subalit video o phone sex lang.

Nagbayad ng deposito ang mga kumag na manyakis at nang makaraos ay biglang blinock ang babae para hindi sila makontak kaugnay sa kakulangang bayad o balanse.

Eh, mautak ang babae, nairecord ang kanilang video kaya’t dahil niloko siya at sobrang galit dahil in-estafa siya, kaagad na in-upload ang kanilang video, at presto! Viral kaagad.

May kasamahang isa pa sa partido itong si De Leon na inireklamo ng babaeng kanyang inasawa, inanakan subalit iniwan at hindi tinupad ang pangakong bibigyang pangalan ang kanyang anak bukod sa susustentuhan. Nanalo pa itong konsehal noong 2022 pero pangako niya ay napako.

Lumalabas, nasa kampo pala ni Mayor Vico Sotto ang may pinakamababa ang moral kung pagbabasehan ang tunay na mga pangyayari. At take note, tameme si Sotto sa isyung ito.

Kaya ang tanong kay Councilor Angelu de Leon, sino ang totoong bastos at mapang-api sa mga kababaihan?