Home ENTERTAINMENT Mga inakusahan ni Sandro, sumipot sa senado, dinenay ang paratang!

Mga inakusahan ni Sandro, sumipot sa senado, dinenay ang paratang!

Manila, Philippines- Sinipot ng dalawang independent contractors ng GMA ang hearing na isinasagawa ng Senate Commitee on Public Information and Mass Media nitong Lunes.

Sina Jojo Nones at Richard Cruz ang inakusahan ni Sandro Muhlach ng umano’y sexual harassment, bunsod ng insidenteng naganap sa GMA Gala nitong July 20.

Matatandaang ipinag-utos ng Senado ang kanilang pagdalo nang ‘di nila sinipot ang unang pagdinig nitong August 10.

Ipinaliwanag ng kampo nina Nones at Cruz na hindi sila umiiwas sa imbestigasyon kundi natakot sa media circus at paghusga ng publiko.

Si Nones ang nagsilbing tagapagsalita sa kanilang dalawa who flatly denied the allegation.

Kasabay nga nito’y ang pag-amin ng dalawa na sila’y mga bakla.

“Opo, mga bakla po kami pero hindi po kami abuser…opo, mga bakla po kami pero wala po kaming ginagawang masama sa aming kapwa…opo, mga bakla po kami pero may takot po kami sa Diyos,” ani Nones.

Binigyang diin din nila na sa humigit kumulang na 30 taon bilang mga contractual talents ng GMA, ni minsan ay hindi sila nasangkot sa ganitong isyu o kaso.

Kaya raw itong patunayan ng kanilang mga katrabaho, citing their awareness of the fact na konting pagkakamali lang na maaari nilang gawin that would affect the network would cost their job.

Hindi raw maaalis sa kanila na mula nang pumutok ang balita’t pinangalanan sila’y apektado ang kanilang mga pamilya, the very reason why they’re working hard gamit ang kanilang creative skills.

Inamin din nina Nones at Cruz na masakit daw na ang tingin sa kanila’y mga convicted criminals.

They, however, believe in due process.

Sa bandang huli, kapwa umaasa sina Nones at Cruz na lalabas ang katotohanan, leaving a word with their accuser: “Sandro, alam mo ang totoo.”

Clearly a case of “he says, she says”–for now until the truth comes out ay pagbigyan natin ang apela nina Nones at Cruz.

Ireserba muna natin ang ating judgmental thoughts about them.

After all, kaya nga may pagdinig para mapakinggan ang dalawang panig. Ronnie Carrasco III