IPINAAALAM ng DOH o Department of Health na hindi lamang mga sanggol at bata ang dapat mayroong kumpletong bakuna kundi maging ang mga adolescent na 10 hanggang 19 years old para makaiwas sa panganib na tamaan ng vaccine preventable diseases (VPDs) lalo na kung wala silang booster shot.
Ayon sa DOH, may mga bakuna na bumababa ang proteksyon habang tumatagal kung kaya kinakailangan ang karagdagang bakuna, katulad ng sa kontra diphtheria, pertussis at tetano, kaya dapat ay tuwing limang taon ang pagpapaturok nito.
Paalaala pa ng kagawaran, ang isang bata ay kinakailangang mabakunahan isang beses ng BCG o bacilli Calmette-Guerrin kontra tuberculosis, tatlong doses ng Pentavalent vaccine for Hepatitis B, Diptheria, Pertussis, Tetanus, at Influenza B, tatlong doses ng oral polio vaccine, dalawang doses ng inactivated polio vaccine, tatlong doses ng pneumococcal vaccine, at dalawang doses ng measles, mumps and rubella vaccine bago siya umabot ng isang taon.
Habang ang mga adolescent ay kailangan na magkaroon ng booster doses para sa measles-rubella vaccine, tetanus-diphtheria vaccine, Hepatitis A, Hepatitis B, Influenza at Varicella o chicken pox.
Payo rin ng DOH para sa adolescent girls na may edad na siyam hanggang labing-apat na taong gulang na magpabakuna ng HPV o human papillomavirus bilang pag-iwas sa pagkakaroon ng cervical cancer.
Hindi pwedeng idahilan ang kawalan ng badget dahil libre ang bakuna sa mga health center sa buong bansa, kinakailangan lamang na magpa-schedule ng appointment na madalas ay ginagawa na via online.
Nagsimula akong makaranas ng pananakit sa isang bahagi ng aking ulo noong nakaraang ika-10 ng Agosto. Sumangguni ako kay Dr. Alvin Dela Cruz (cardiologist), inakala ko baka mataas ang aking alta presyon. Nagkonsulta rin ako kay Dr. Carter Rabo (Neurologist) inakala may migraine, nagpatingin din ako kay Dr. Frederick Leh (ENT specialist) dahil masakit sa may ilong at sa may tainga.
Nitong ika-17 ng Agosto, mayroon akong obligasyon na dumalo sa medical mission na naka-iskedyul sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), katuwang ang Chinese General Hospital and Medical Center, kung saan ako ang coordinator.
Pagdating ko sa medical mission, naantig ako nang suriin ni Dr. George Co ang kalagayan ko at napansin niyang namamaga ang kanang mata.
Agad niya akong binigyan ng gamot at ini-refer ako kay Dr. Emilie Tantuco-Que (Dermatologist), siya mismo ang nag-set ng appointment para sa inyong lingkod. Pinayuhan ako ni Dr. Co, na tumuloy sa Chinese General Hospital dahil pinaghihinalaan nila na may shingles o bulutong-tubig at kinakailangan ang pagkonsulta sa isang espesyalista upang masimulan kaagad ang paggamot dahil sa potensyal na kalubhaan ng kondisyon.
Ang maipapayo ko, magpabakuna para maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong tubig.