
HINDI talaga maganda at huwag maliitin ang droga at mga bunga nitong mga krimen.
Nitong nakaraang mga araw lamang at nakaraang buwan, nalantad ang mga gawang demonyo na bunga ng droga.
Hindi natin malilimutan ang pag-rape at pagpatay kay Slovak Michaela Mickova noong unang linggo ng Marso sa malademonyong paraan sa Boracay.
Nag-shabu muna ang tatlong suspek saka nila ginahasa at marahas na pinatay si Mickova at sa abandonadong simbahan pa isinagawa.
Pagdating ng Abril, pinagtataga sa ulo at leeg hanggang mapatay ng isang lalaki na mister ng isang overseas Filipino worker at bangag sa droga ang lolang si Evelyn Pareja at apo nitong si Gael Cogay, edad 5, sa Compostela City at may nasugatan ding tatlong iba pa.
Nagalit umano ang suspek na si Jayson Avila nang hindi na ito pinadalhan ng remittance ng misis niya makaraang malamang nagdodroga ito.
Sa Bulacan naman, ginagahasa naman ng isang ama ang kanyang sariling anak na menor-de-edad sa San Jose del Monte, Bulacan.
Tatlong buwan umanong ginagahasa ng demonyong amang ito na kilalang pusher at adik ang kanyang anak tuwing bangang ito sa droga.
Sa San Pablo City, dalawang stepdaughter at maging ang sariling 4-anyos na anak ang nire-rape naman ang isang kilalang adik sa lungsod na ito.
Isa ring OFW ang misis ng adik at ang mga anak ni misis sa una ang ginawa niyang sex slave at idinamay na pati ang paslit niyang anak.
Habang nagaganap ang mga krimeng ito, mga brad, nariyan naman ang mga pulis na bigtime na tulak gaya ng nahuling si Executive Master Sergeant Palmer Nankihid sa Baguio City.
Nauna rito, isang Angeles City police ang dinakip din ng mga tauhan ni Southern Police District SPD chief Police Brigadier General Manuel Abrugena na nagtutulak ng shabu sa Pasay City.
Ano-ano nga ba talaga ang mga gagawin para madurog ang salot na droga at mga nagpapalaganap nito sa bansa?