Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P271-M Grand Lotto, P110-M Mega Lotto jackpot

Mga mananaya bokya sa P271-M Grand Lotto, P110-M Mega Lotto jackpot

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit P271 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 at P110 milyong premyo sa Mega Lotto 6/45 sa ginanap na draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkoles, Oktubre 14.

Ayon sa inilabas na resulta ng PCSO, walang tumama sa winning combination na 10-54-08-35-34-38 para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na P271,057,948.06.

Wala ring nakakuha ng P110,527,091.63 jackpot ng Mega Lotto 6/45 matapos walang makatama sa kombinasyong 16-44-08-43-24-39.

Dahil walang nanalo sa dalawang pangunahing lotto game, mananatiling walang claimant ang mga nabanggit na jackpot prize sa Oktubre 14 draw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here