Home NATIONWIDE Mindanao, kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas apektado ng Habagat

Mindanao, kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas apektado ng Habagat

7
0

MANILA, Philippines – Apektado ng Habagat ang Mindanao at kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ngayong Martes, Hulyo 21, ayon sa PAGASA ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at BARMM dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil pa rin sa Habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here