Home OPINION MALUNGKOT KAY PBBM, HAPPY KAY VP SARA

MALUNGKOT KAY PBBM, HAPPY KAY VP SARA

6
0

TOTOO kaya na happy ang mga tao kay Vice President Sara Duterte at malungkot naman sila kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.?

Batay ito sa satisfaction rating o pagiging happy ng mga tao na natagpuan ng Social Weather Station sa dalawang pinakamataas na pinuno ng mahal kong Pinas.

Sa sarbey ng SWS na isinagawa nitong huling bahagi ng Hulyo 2026, mataas ang pagiging happy ng mga tao kay VP Sara 58% at kung imemenos ang hindi happy na 15%, may +31% happy.

Sa kabilang banda, may 38% ang happy kay PBBM habang may 45% ang hindi happy kaya -7% o malungkot o hindi happy ang mga tao sa kanya.

Nauna rito, sa sarbey noong katapusan ng Marso 2026, 54% ang happy kay VP Sara at ‘pag minenos ang 21% hindi happy, +29% ang natutuwa sa kanya.

Kaya sinasabing tumaas pa ang natutuwa sa kanya mula Marso hanggang Mayo.

Sa kabilang banda, noong Marso 2026, 33% ang happy kay PBBM ngunit dahil may 49% ang hindi happy, bumagsak sa -15% ang grado nito.

Lumiit man ang bilang ng mga nalulungkot sa kanya, malungkot pa ring isiping -7 ang grado niya.

SWS AT IBA PA

Sa usaping pagtitiwala sa huling bahagi ng Hunyo 2026, ayon pa rin sa SWS, 34% ang nagtitiwala (much trust) kay PBBM samantalang 57% ang nagtitiwala kay VP Sara.

Ang masaklap sa parte ni PBBM, mga Bo, 45% ang may “little trust” kaya kung imenos mo ang 34% mula sa 45%, anak ng tokwa, -11 yan o masahol pa sa “little trust”.

Kay VP Sara, mayroon siyang 57% “much trust” at kung ibabawas mo ang 27% na little trust, may 20% siyang malaking pagtitiwala.

Sa Publicus Asia naman, aprub ang 18% katao sa ginagawa ni PBBM at at 12% ang nagtitiwala sa kanya.

Sa kabilang banda, kay VP Sara, 28% ang aprub sa kanya at 26% ang nagtitiwala.

Sa Pulse Asia survey naman, aprub kay PBBM ang 29% at nagtitiwala sa kanya ang 28%.

Si VP Sara? May 56% aprub sa kanya habang 58% ang nagtitiwala sa kanya.

WALANG KINALAMAN SA IMPEACHMENT?

Samu’t sari ang nagreak sa mga sarbey na ito.

Sinasabi ng mga aktibo sa paglilitis sa impeachment, lalo na sa parte ng prosekusyon, na walang kinalaman sa impeachment ang mga sarbey lalo’t ginawa ang mga ito bago magkaroon ng paglilitis simula noong Hulyo 6, 2026.

Malalaman pa lang ang ibubunga ng impeachment trial sa usapang pagtitiwala o kawalan nito at kasiyahan o pagiging malungkot ng mga tao kina PBBM at VP Sara sa darating na mga araw.

Ayon naman sa mga lumalaban sa impeachment, malaking papel ang mahigit isang taon nang usapang impeachment sa pakikipag-ugnayan ng mga tao kina PBBM at VP Sara at nagbubunga na nga ng hindi magandang pagtingin kay PBBM at maganda kay VP Sara.

Ano sa palagay ninyo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here