Home METRO Misis na bagong-laya, natagpuang patay

Misis na bagong-laya, natagpuang patay

DIADI, NUEVA VIZCAYA – Posibleng onsehan umano sa droga ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa isang misis na bagong laya matapos na matagpuan ang kanyang bangkay sa Brgy. Escoting, Diadi, Nueva Vizcaya.

Nakita ang bangkay ng biktimang si Analyn Unggod nasa tamang edad at residente ng Diffun, Quirino, dakong 6:30 ng umaga sa isang maisan malapit sa kalsada na sakop ng Brgy. Escoting, Diadi, Nueva Vizcaya.

Napag-alamang nahuli sa illegal na droga si Unggod sa noong Agosto 28, 2021 at nakalaya lamang nitong nakaraan taon sa kanyang kaso.

Nadiskubre ang naturang bangkay nang makita ito ng isang residente at itinawag lamang sa himpilan ng pulisya na agad namang pinuntahan ng pulisya.

Doon na tumambad sa kanila ang bangkay ng isang babae.

Teorya umano ng pulisya na posibleng onsehan sa droga ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Magsimula umano ng makalaya ang biktima ay malakas pa rin umano itong magtulak ng ipinagbabawal na gamot na posibleng hindi nagreremit ng kanyang pinagbentahan o sinusulot nito ang kapwa mga tulak para makabenta ng illegal na droga.

Mayroon din umanong nakita sa katawan ng biktima na illegal na droga, indikasyon ng matinding galit ng hindi pa tukoy na suspek dahil sa sinakal muna ito bago itinapon sa maisan. Rey Velasco

Previous articleKakampi sa China sa water cannon incident sa WPS, taksil! – PCG
Next articleDENR tinira ni Villar sa Manila Bay reclamation projects