Home OPINION MORE POWER KAYANG MAKIPAGSABAYAN SA POWER TECHNOLOGY

MORE POWER KAYANG MAKIPAGSABAYAN SA POWER TECHNOLOGY

NAKABIBILIB itong More Electric and Power Corporation o More Power dahil 4 na taon pa lang ito bilang distribution utility sa Iloilo City ay mayroong teknolohiya na rin ito na pwedeng ipantay sa malalaking power supplier.

Ang More Power ay pumasok kamakailan sa isang tripartite agreement sa pagitan ng Energy Regulatory Commission at Iloilo City LGU na naglalayong i-promote ang paggamit ng renewable energy sa lungsod sa pamamagitan ng paglipat na sa Net-Metering Program at Distributed  Energy Resources na makatutulong para mabawasan ang electricity cost at greenhouse gas emissions.

Sa kasalukuyan, tanging malaking distribution company na Manila Electric Company at More Power pa lamang ang dalawang DU na nakipagpartner ang ERC para sa Renewable Energy Adoption.

Ibig sabihin, ang dalawang DU lang ang may kakayahan para sa bagong teknolohiya. Ang More Power ay maituturing na bagito pa lang sa larangan ng power industry.

Ang kolaborasyon ng ERC sa More Power para sa renewable energy ay kauna-unahan sa Visayas, nangangahulugan na nadaig pa ng kompanya ang ibang matatagal na distribution utilities at electric cooperatives.

Bago kasi  makapag-offer ng net metering at DER ang  distribution utility sa kanilang consumers ay dapat mayroon na itong imprakstraktura para sa paglalagay ng smart meters, advanced communication systems at iba pa.

Ang More Power ay mabilis na nakasasabay sa teknolohiya dahil sa malaking investment nito na umabot sa P2 bilyon. Sa kabila ng pandemic ay naisakatuparan pa rin ang kanilang modernization blueprint na ang  pangunahing target ay pag-upgrade sa pasilidad, pagbili ng bagong equipment, pagpapatupad ng digital technology sa kanilang operasyon at paglalatag ng solusyon at agresibong kampanya laban sa electric pilferage at illegal connection.

Ang naging commitment at determinasyon ng More Power na magbigay ng de-kalidad na power supply ay nagresulta na sa “improved power situation” sa Iloilo City, pagtaas ng business at investor confidence at higit sa lahat ay pagbaba ng presyo ng kuryente, sa katunayan ang More Power ay isa sa may pinakamababang singil sa kuryente sa bansa at mula Enero hanggang Hulyo o 7 magkakasunod na buwan ng kasalukuyang taon ay nagpatupad ito nang pagbaba sa singil sa kuryente.

Ayon kay Roel Castro, presidente at CEO ng More Power,  sa simula pa lamang ng operasyon ay ipino-promote na nila ang paggamit ng green energy.  Sa katunayan ang pagamit ng renewable energy ang isa sa malaking factor sa pagbaba ng kanilang singil sa kuryente.

Ang net metering ay isang sistema kung saan ang mga residential at commercial customer ay maaaring mag-generate ng kanilang sariling kuryente mula sa renewable sources katulad ng solar panels, ang sobra o hindi magagamit na supply ng consumer ay may opsyon silang ibalik sa grid at pagkakitaan subalit kung kulang ay kaunti na lang ang supply na bibihin sa mga DU.

Sa oras na dumami ang gagamit ng Net Metering ay  lalakas ang paggamit ng renewable energy at maiiwasang maging dependent sa fossil fuel na nakasisira sa kalikasan.

Sa ilalim ng nilagdaang tripartite agreement ay magtatayo ang More Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy habang ang ERC naman ang magbibigay ng technical at regulatory expertise, kabilang na ang pagstreamline ng documentary submission, installation, payment at permitting processes ng Net-Metering at DER gayundin ang information drive habang ang Iloilo LGU ang titiyak na ang green practices ay iniimplementa sa lalawigan sa pamamagitan nang paggamt ng solar panels.