Home OPINION ‘YANG ANGKINAN NG KARAGATAN

‘YANG ANGKINAN NG KARAGATAN

MARAMI na ang mga pahayag ukol sa West Philippine Sea  at South China Sea  bilang sentro ng diskusyon at mga aksyon, lalo na sa pagitan ng Pilipinas at China.

Malinaw na inaangkin ng China ang kalakhan ng WPS at SCS at may mapa ito na 9-dash line.

Nagmumula ang mapa sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas at tuloy-tuloy ito patungong south sakop ang Scarborough o Panatag, Ayungin at Spratlys hangang sa ilang karagatan din ng Brunei at Malaysia at pagdating ng Natuna Islands sa Malaysia, lumiko ito pabalik ngunit patungo malapit sa mga karagatan ng Vietnam hanggang sa pagitan ng Hainan province ng China at Hanoi ng Vietnam.

Sakop ng 9-dash line ang Panatag Shoal na may layong 124 milya o 200 kilometro mula sa Palauig, Zambales, Ayungin shoal – may layong 105 milya o 194km sa kanluran ng Palawan at Pag-asa Islands – may layong 480 kilometro mula sa Princesa City, Palawan.

Noon pang 1946 lumitaw ang mapa mula sa Taiwan at ito rin ang mapa ng China na binawasan ng dash na sumakop ng Gulf of Tonkin sa Vietnam ni Mao Zebong nang gumanda ang relasyon ng China at Vietnam.

Ayon sa kasaysayan, 982AD pa naglalabas-masok sa Pinas ang mga Tsino at malayong nauna sila na kaugnayan sa negosyo at pangingisda ng mga Pinoy na pumupunta naman sa Beijing at Tianjin, China simula noong 1001.

Karamihan sa mga Tsino ang galing sa Macao at Guangdong at dumating sa Pinas ang maraming Fujian noong 1911.

Ang mga Kastila, dumating lang sa Pinas noong Marso 16,1521, mga British noong 1762 at mga Amerikano noog 1898.

May pinalabas na 1734 Fr. Murillo Velarde map ang mga Kastila na sinamsam ng mga British at patunay ng pag-angkin natin umano sa WPS.

Ngayon, paano ngayon ang angkinan ng mga nasabing isla sa tagal ng relasyon ng mga Pinoy at Tsino?