TINANGGAP ng ating pamahalaan nang maayos si United Nations Special Rapporteur
Irene Khan at super pag-aasikaso at pagtanggap ang iginawad sa kanya ng
Presidential Task Force on Media Security.
Ang kanyang pagdalaw ay para isulong ang proteksiyon at karapatang maghayag ng
saloobin o ‘freedom of opinion and expression’ na siya namang pinangunahan ng PTFoMS para makita ni Khan na maayos ang bansa kung karapatang-pantao ang pag-uusapan.
‘Yan ang talagang pakay nang pagbisita ni Khan. At matapos ang kanyang pakikiharap
sa iba’t ibang opisyal ng sangay ng ating pamahalaan, tinapos ni Khan ang kanyang
pagdalaw sa paglalabas ng kanyang tunay na agenda – ang gibain ang National Task
Force to End Local Communists Armed Conflict.
Kanyang hayagang inirekomenda ang pagbuwag sa NTF-ELCAC.
NABUDOL tayo ni Khan at tinarantado halos ang lahat ng kanyang nakausap na
matataas na opisyal ng ating pamahalaan kabilang na ang pinakamataas na kinatawan
ng Administrasyong Marcos na si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Bago pa ang kanyang pagbisita, naitatag na ang NTF-ELCAC upang lutasin ang
matagal ng problema ng gobyerno – ang pagmamalabis ng mga komunistang-
teroristang samahan na Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Nagawa ng NTF-ELCAC ang mandato nito na palayain sa “kuko” ng mga CPP-NPA-
NDF ang marami nating kababayan sa mga kanayunan at naipadama sa huli ang
pagmamalasakit ng pamahalaan sa kanilang mga katayuan nang mga panahong sila ay
pinepeste ng mga komunistang-terorista.
NAGBAGO ang ihip ng utak nitong si Khan nang kanya ring makausap ang mga
kaalyado ng CPP-NPA-NDF na siyang bumuyo sa UN official na ihayag ang tunay
nilang agenda.
Tila pinagtaksilan ni Khan ang ating maayos na pakikitungo sa kanya. At ‘yan ay dapat
nating susuklian nang hindi pag-sunod sa kanyang rekomendasyon.
Mananatili ang ating pagtitiwala sa NTF-ELCAC dahil may mga resibo na itong
naipakita. Isa na riyan ang nalansag ng guerilla fronts ng CPP-NPA at ang mga dating
lugar na kanilang pinipeste ay patungo na sa kaunlaran.
Mainam nga, at tuluyan nang lumisan si Khan noong Pebrero 2 mula sa ating bansa
kundi ay marahil naitaboy ito ng iba nating kababayan na nakinabang na sa NTF-
ELCAC.
Isa lang ang sigurado ako, ‘di na welcome si Khan sa Pinas kung ganyan lamang ang
kalalabasan ng kanyang pagdalaw. Pwe!