Home ENTERTAINMENT Nadine, natupad ang pangarap na maging action star!

Nadine, natupad ang pangarap na maging action star!

Manila, Philippines – Sa special screening ng pelikulang Roadkillers ng Studio Viva ay napag-usapan sa mediacon ang relasyon ni Nadine Lustre sa kanyang ama.

Si Nadine ay ang eldest sa apat na anak nina Myraquel Paguia-Lustre at Ulysses Lustre.

Umikot ang kwento ng Roadkiller sa kakaiba at wagas na pagmamahal ng isang anak sa kanyang ama.

“Nu’ng napanood ng dad ko ang Roadkiller, sabi niya, parang siya yung character ng dad ko sa pelikula. Kamukha niya kasi si dad.

“My dad is a mechanic and I grew up as a daddy’s girl. Close kami ng daddy ko and dahil mechanic nga siya, e, na-influence ako ng kanyang mga ginagawa.

“So mahilig ako mangalikot.

“Na-fascinate ako sa dad ko na mahilig magkumpuni ng mga stuff and sobrang naaastogan ako sa kanya although naman henchman ng politiko,” natatawang kwento ni Nadine.

Sa pelikula kasi ay henchman o loyal killer ng politiko ang role ng character ng ama ni Nadine na ginampanan ni Bodgie Pascua.

Matindi ang mga action scenes na ginawa ni Nadine sa Roadkiller.

Kadalasan, ang kabakbakan niya ay si Jerome Ponce.

“I had gun sa movie and nag-training ako ng firing and gun assembling.

“Gustong gusto ko talaga ang mag-action and matagal ko na itong gusto,” sabi pa niya.

Binanggit din ni Nadine na sobrang hirap ng condition ng kanilang pinag-shooting-an.

“Maraming beses kasi naka-cancel ang shoot namin because of the rain,” sabi niya.

Sinabi rin ni Nadine na mas gusto niya ngayon ang darker and grittier na projects.

“Tapos na ako sa romcom. Parang very interesting ang magbigay ng life sa role ng isang psycopath or a killer.

“Ako kasi mahilig sa ganu’ng intricate details and personally I’m watching crime docu and psychological thrillers.

“And I want to dive into that,” sabi pa niya.

Streaming na ang Roadkillers worldwide sa March 1, 2024 sa Viva One. JP Ignacio

Previous articleMga tropang nasaktan sa Lanao del Sur clash, kinilala ni PBBM
Next articleKai Sotto bida sa panalo ng Yokohama