Home NATIONWIDE Nag-AWOL na parak arestado sa pagnanakaw, drug charges sa Cavite

Nag-AWOL na parak arestado sa pagnanakaw, drug charges sa Cavite

308
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang pulis na nag-absent without official leave (AWOL) sa Damariñas, Cavite dahil sa kabi-kabilang reklamo kabilang ang robbery.

Nahaharap ang 42-anyos na suspek sa mga reklamo na nangungumpiska ito ng mga motorsiklo na walang kaukulang dokumento sa isang checkpoint at hindi na ito ibinabalik.

Hindi agad sumuko ang dating pulis at ilang beses na tumakas.

May pagkakataon pa na namaril ito sa mga humahabol na pulis sa police chase sa isang residential area rin sa Cavite.

Nahaharap din ang suspek sa reklamong physical injury at sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na ang suspek ay sangkot sa gambling at illegal drugs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here