Home NATIONWIDE Nasa 2,600 trabaho alok ng DOH

Nasa 2,600 trabaho alok ng DOH

MANILA, Philippines – Nag-aalok ng hindi bababa sa 2,600 bakanteng posisyon sa ilang Department of Health Hospitals at medical facilities ang DOH job fair bilang bahagi pa rin ng ila-126th anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Binuksan ang job fair para sa mga doctors, nurses, dentists, medical technologies at psychologists.

Nag-alok din ng mga posisyon para sa mga naghahanap ng trabaho sa labas ng medical field.

“Nationwide ito. So, yun pong sa ating lugar sa Pinas, punta tayo sa DOH centers for health development at DOH hospitals. Napakalawak ng salary grade. Ibig sabihin, entry level up to executive, meron tayong mga vacant positions,” sabi ni DOH Spokesman Assistant Secretary Albert Domingo.

Dumagsa naman ang mga job seekers sa job fair para mag-aapply sa mga inaalok na posisyon.

Ang mga aplikante na interesado ay maaring bumisita sa pinakamalapit na DOH Job Fair location Hanggang Hunyo 20.

Makikita rin ang karagdagang mga detalye sa social media page ng DOH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)