Home NATIONWIDE Natitirang NPA sa N. M’danao, 16 na lang — Army

Natitirang NPA sa N. M’danao, 16 na lang — Army

1
0

MANILA, Philippines – Bumaba na sa 16 ang natitirang armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) habang pinaigting ng militar ang operasyon laban sa mga nalalabing rebelde sa Northern Mindanao.

Ayon kay Lieutenant Col. Joe Patrick Martinez, tagapagsalita ng Army’s 4th Infantry Division (4ID), nagpapatuloy ang pursuit operations laban sa mga natitirang rebelde, kabilang si regional secretary Julia “Ka Reda” Cagadas, na may P5.3 milyong pabuya para sa kaniyang pagkakadakip.

Sinabi ni Martinez na dating umaabot sa libo-libo ang miyembro ng NCMRC na kumikilos sa kabundukan ng Misamis Oriental, Bukidnon at Agusan del Sur.

“They numbered in the thousands before. A single guerrilla front could have 35 to as much as 63 combatants, excluding their ‘Milisya ng Bayan’ force multipliers,” Martinez told the Inquirer.

Dagdag pa niya: “With their recent encounters with government troops, they have been reduced to an oversized squad. They cannot even form a single platoon.”

Noong Hunyo 20, napatay ng mga sundalo ng 1st Special Forces Battalion si team leader Edward “Wando” Pantandon sa isang engkuwentro sa Sitio Tagiptip, Barangay Iba, Cabanglasan, Bukidnon. Nasundan ito ng panibagong sagupaan sa Sitio Nalumosan, Barangay Silae, Malaybalay City, kung saan napatay rin si Romeo “Kakoy” Manpinsahan sa operasyon ng 8th at 88th Infantry Battalions.

Ayon kay Martinez, dahil sa pagkamatay nina Pantandon, Manpinsahan at Boniface “Tado” Luntawan nitong taon, 15 tagasunod na lamang ang natitira kay Cagadas sa hangganan ng Misamis Oriental at Bukidnon.

Sinabi rin niya na naging matagumpay ang operasyon dahil sa impormasyong ibinigay ng mga residente at hindi na umano makakanlong ang mga nalalabing rebelde sa Agusan del Sur matapos silang ideklarang “undesirable” sa lalawigan.

Patuloy namang iniinspeksiyon ni 4ID Commander Maj. Gen. Marion Angcao ang mga command post upang matiyak ang mabilis na pagtatapos ng kampanya laban sa insurgency sa rehiyon.

Umaasa ang militar na tuluyang mabuwag ang natitirang grupo ng NPA bago matapos ang termino ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ngayong Hulyo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here